Walang military junta ayon sa Malakanyang

By Len Montaño November 02, 2018 - 05:25 PM

Iginiit ng Malakanyang na mali ang pahayag ni National Anti-Poverty Commission head Liza Maza na maituturing na military junta ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating opisyal ng militar sa ilang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, “misplaced” o kaya ay “distorted” ang pananaw ni Maza.

Una rito ay binatikos ni Maza ang Executive Order No. 7 ni Pangulong Duterte na naglipat sa ilang ahensya sa ilalim ng Office of the Cabinet Secretary sa Department of Interior and Local Government at Department of Social Welfare and Development, dalawang departamento na pinamumunuan ng dalawang dating opisyal ng militar.

Sa ilalim ng naturang EO, ang National Commission on Muslim Filipinos, Philippine Commission on Women at National Youth Commission ay inilipat sa DILG habang ang National Anti-Poverty Commission, National Commission on Indigenous Peoples at Presidential Commission on the Urban Poor ay inilagay sa ilalim ng DSWD.

Si dating AFP chief of staff Eduardo Año ang kalihim ng DILG habang si dating Army chief Rolando Joselito Bautista ang bagong DSWD Secretary.
Pero sinabi ni Panelo na ang hakbang ng Pangulo ay alinsunod sa pangako nito noong kampanya na gawing epektibo ang bureaucracy at nakakatugon sa pangangailangan ng publiko.

Kaya mali anya ang sinabi ni Maza na isang military junta o pinamumunuan na ng militar ang gobyerno.

TAGS: Liza Maza, military junda, Salvador Panelo, Liza Maza, military junda, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.