Sa ngayon 10 partido ang kumuha ng selection documents sa NTC ang pinakahuli ay ang AMA Telelcommunications Corporation.
Ang iba pang kumpanya ay ang China Telecommunications Corp., PT&T, Now Telecom Inc,m Telenor ASA Group, Udenna Corp., LCS Group of Companies and Tier 1, Mobitel Holding GmbH, Converge ICT at isang hindi pa tinutukoy na bidder.
Sa Nov. 7 bubuksan ang bid documents kung saan malalaman din ang mapipiling “provisional” third telco player.
Handa rin ang NTC na tumanggap ng bids mula Nov. 5 alas 10:00 ng umaga hanggang Nov. 7.
Alas 10:00 ng umaga ng Nov. 7 ang deadline at pagkatapos ay bubuksan na ang bid.
Batay sa proseso, magkakaroon ng tatlong observers mula sa Commission of Audit, Foundation for Media Alternatives, at Philippine Technological Council.
Nag-imbita rin ang NTC ng tigda-dalawang kinatawan mula sa DICT, Office of the Executive Secretary, Department of Finance, National Security Council, Department of Justice, Philippine Competition Commission, at Securities and Exchange Commission para maging bahagi ng technical working gruop.
Sinabi naman ni DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr., na nagiging maingat ngayon ang pamahalaan sa proseso dahil ayaw nilang mangyari na ang mananalo sa bid ay ibebenta lamang sa iba ang prangkisa.
Inihalimbawa ni Rio ang nangyari noong 1999 kung saan ang Altimax ay napagkalooban ng prankisa ng kongreso pero ibinenta lang din ito sa subsidiary ng Globe Telecom noong 2009.
“The government is wary of firms who bid for frequencies and sell it eventually to another. Altimax (Broadcasting Co., Inc.) which had been granted a congressional franchise in 1999, but sold its majority stake to a subsidiary of Globe Telecom in 2009 rather than use it. The sale of Altimax, which is owned by NOW Corp. president and CEO Mel Velarde, included frequencies awarded to them by the NTC but the firm did not utilize it,” ayon kay DICT Acting Sec. Eliseo Rio Jr.