Ilang turista sumusuway pa rin sa mga regulasyon sa Boracay – DOT

Kuha ni Isa Umali

Halos isang linggo pa lang ng muling buksan ang Boracay, ilang turista at establisyimento ang sumuway na sa regulasyon ng Boracay Inter-agency Task Force para sa proteksyon at preserbasyon ng isla.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, nakatanggap sila ng mga report na mayroon na namang mga party kung saan malakas ang mga tugtog at may mga naninigarilyo at nag-iinuman na naman sa Boracay.

Nalungkot si Puyat na mayroon pa ring mga pasaway at binabalewala ang kanilang alituntunin kahit binigyan na sila ng oath para sa mas magandang Boracay sa muli nilang pagpasok sa isla.

Nakasaad anya sa oath na nangangako ang turista na pangangalagaan niya ang isla at titiyakin ang sustainable development ng lugar gayundin ang pagsunod sa environmental laws.

Una nang binalaan ng kalihim ang mga bisita at negosyo kaugnay ng istriktong implementasyon ng lokal na ordinansa na nagbabawal sa pag-inom ng alak, paninigarilyo sa pampublikong lugar at party sa no-build zone easement.

Ang mga nahuhuling lumalabag anya ay binibigyan ng citation tickets pero ipapasara na ang establisyimento kung patuloy na susuway sa patakaran sa Boracay.

Read more...