Mahigit 85,000 naitalang bumisita sa Manila North Cemetery

Inquirer Photo | Faye Orellana

Umabot sa mahigit 85,000 ang naitalang bumisita sa Manila North Cemetery mula umaga hanggang tanghali ng Biyernes, Nov. 2.

Ito ay batay sa datos ng Manila Police District. (MPD).

Marami pa ring mga bawal na bagay ang nakumpiska at pinagbawalang ipasok sa sementeryo gaya ng gunting, cologne, sigarilyo, kutsilyo at iba pa.

Ayon sa MPD, malaki na ang ibinaba ng mga bumisita sa naturang sementeryo kumpara kahapon.

Base kasi sa datos, umabot ala 1:00 ng hapon ng Nov. 1 umbt sa 1,061,000 ang naitala ng pumasok sa Manila North Cemetery.

Read more...