Batas na nagdedeklara ng special non-working holiday sa Surigao del Norte at Ifugao nilagdaan ni Pang. Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 02:56 PM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagdedeklara bilang special non-working holidays sa Surigao del Norte at Ifugao sa petsa ng kanilang founding anniversaries.

Sa ilalim ng Republic Act 11100 mula June 19 ay ginawang May 15 taun-taon ang selebrasyon ng “Adlaw Nan Probinsya Nan Surigao del Norte”.

Ang Surigao del Norte ay naging isang lalawigan noong taong 1960.

Samantala, sa ilalim naman ng Republic Act 11101 itinatakda ang June 18 kada taon bilang special non-working holiday sa Ifugao.

Ito ay bilang pagdiriwang ng “Ifugao Foundation Day” na naging probinsya taong 1966.

Ang holiday ay para sa pagdiriwang taun-taon ng founding anniversary ng Surigao del Norte at Ifugao.

TAGS: Ifugao, Rodrigo Duterte, special non-working holiday, surigao del norte, Ifugao, Rodrigo Duterte, special non-working holiday, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.