37 matatandang bihag, pinalaya ng ISIS

By Chona Yu November 08, 2015 - 12:44 PM

isis
Inquirer file photo

Pinakawalan na ng grupong ISIS ang tatlumpu’t pitong matatandang Assyrian Christian na una nang binihag ng Islamist Extremist group sa Syria noong Pebrero.

Ayon sa ulat ng Assyrian Human Rights Network, nasa maayos na kalagayan na ngayon ang mga bihag.

Isinakay ang mga biktima sa isang bus at dinala sa Tal Tamer, Northeastern ng Syrian City.

Nabatid na aabot sa dalawang daan at labing limang katao ang binihag ng ISIS sa Syria.

Patuloy pang nakikipag-ugnayan ang Rights Network sa ISIS para pakawalan pa ang ibang bihag.

TAGS: ISISfreed37assyrianchristian, ISISfreed37assyrianchristian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.