May iba ring lansangan na apektado ng repairs sa iba pang bahagi n g Quezon City.
Sa abiso ng DPWH, uumpisahan ang reblocking at repairs alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, Nov. 1 hanggang alas 5:00 ng umaga Lunes, Nov. 5.
Kabilang sa mga maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:
– Southbound ng C-5 Road paglagpas ng Lanuza Avenue
– Southbound ng C-5 Road malapit sa SM Aura, 2nd outermost lane
– Southbound ng EDSA Sct. Albano paglagpas ng Sct. Borromeo, 3rd lane mula sa sidewalk
– Northbound ng EDSA bago mag-Oliveros Footbridge sa Globe Master, 2nd lane bago sumalit ng Times St., at UCCP, 1st lane
– Northbound ng Roosevelt Ave. kanto ng Baler St., 1st lane mula sa sidewalk
– Southbound ng West Ave. Baler St. patungong Examiner St., 1st lane mula sidewalk
– Northbound ng Visayas Ave. Road 1 intersection, sa 2nd hanggang 3rd lane mula sidewalk
– Commonwealth Ave. malapit sa Pedestrian footbridge at malapit sa Jocfer Bldg. at sa Commonwealth malapit sa N. Zuzuaregui St.