4 patay sa aksidente sa Pangasinan
Apat ang nasawi sa magkakahiwalay na aksidente na naganap sa Pangasinan, araw ng Huwebes, Nov. 1
Sa Urdaneta City, patay ang isang magsasaka habang sugatan ang isa pa makaraang bumangga sa pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Nancayasan.
Idineklarang dead on arrival ang 41 anyos na si Ramsey Gacad habang ginagamot sa ospital ang angkas nitong si Dionie Andrada, 34 na taong gulang.
Ayon sa ulat ng mga otoridad, kapwa walang suot na helmet ang dalawa nang mangyari ang aksidente.
Samantala, nasawi naman sa insidente ng hit-and-run ang isang 53 anyos na tricycle driver sa bayan ng Villasis.
Minamaneho ni Carlito Sales ang kaniyang tricycle lulan ang mga gulay nang siya ay huminto at bumaba sa kalsada para pulitin ang nahulog na gulay.
Doon na siya nasagasaan ng isang sasakyan na kaniyang ikinasawi.
Sa bayan naman ng San Fabian, batay ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos bumangga sa isang truck.
Nasawi sina Rufernz Berg Balangcad, 30 anyos at Jerick Hizon, 29 anyos kapwa residente ng Brgy. Magliba.
Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng truck.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.