Mga pantalan bantay-sarado pa rin ng MARINA dahil sa dami ng bumibiyahe
Patuloy ang papapatrulya ng mga tauhan ng Maritime Industry Authority (MARINA) para masigurong ligtas ang mga bumibiyaheng sasakyang pandagat.
Nananatiling nasa heightened alert status ang MARINA para sa paggunita ng Undas kung saan marami ang mga bumibiyahe.
Sa Badoc, Ilocos Norte, maagang nag-inspeksyon ang mga tauhan ng MARINA sa mga sasakyang pandagat.
Nakabantay din ang MARINA sa mga bumibiyaheng barko sa Iloilo at Tobaco City.
Wala namang naitalang anumang untoward incidents ang MARINA at wala ring naging kanselasyon ng mga biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.