Batang nawalan ng ina nang manalasa ang bagyong Yolanda, nanawagang pangalagaan ang kalikasan

bata
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Madamdamin at tagos sa puso ang katatapos lamang na unveiling ng memorial marker sa Tacloban City Astrodome, ngayong araw (November 8).

Sa kanyang speech sa harap ng daang daang residente at bisita, sinabi ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na ang astrodome ang nagligtas sa walong libong buhay noong manalasa ang bagyong Yolanda.

Ayon kay Romualdez, labis ang pasasalamat niya sa lahat ng mga tumulong sa kanila kabilang ang gobyerno at si Pangulong Noynoy Aquino.

Humingi rin ng pasensya si Romualdez kung noon ay nakapagbitiw siya ng maanghang na pananalita.

Paliwanag ni Romualdez, siya’y tao lang at siya’y nasaktan.

Pero kailanman daw ay hindi sila naging “ungrateful” sa lahat ng tulong at mga tumulong.

Samantala, naging nakakaantig ang pagkukwento ng isang batang babae na nawalan ng ina sa kasagsagan ng Yolanda.

Binigyang-diin ng bata na dahil sa naturang pangyayari ay natutunan niyang dapat pahalagahan ang magulang habang hindi pa huli ang lahat.

Nanawagan rin ang bata sa world leaders na pangalagaan ang kalikasan dahil kung ano ang ginagawa dito ay siyang babalik sa mga tao.

Dinaluhan ang aktibidad nina Vice President Jejomar Binay, Senador Bongbong Marcos, Leyte Cong. Ferdinand Martin Romualdez, dating MMDA Chairman Francis Tolentino at foreign dignitaries.

Read more...