Lola at dalawang apo patay sa sunog sa Iloilo

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 09:49 AM

Patay ng isang lola at dalawa niyang apo sa sunog na naganap sa Jaro, Iloilo, Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay City Fire Marshall Christipher Regencia, nasawi ang lola na si Ginang Mareng Fanenciano at mga apo niyang sina Ivan at Eman Apungol na natagpuan sa ikalawang palapag ng nasunog nilang bahay.

Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng madaling araw na agad naapula makalipas ang 30-minuto.

Maaring na-trap ang mga biktima kaya hindi na nila nagawang makalabas ng bahay.

Sa kwento ng mga kapitbahay, nagsindi pa ng kandila ang maglo-lola sa labas ng kanilang bahay na marahil ay para sa paggunita ng Undas.

Sa inisyal namang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ay maaring short circuit ang naging dahilan ng apoy dahil sa nadiskubreng illegal connection sa poste.

 

TAGS: fire incident, Iloilo, jaro, fire incident, Iloilo, jaro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.