Sangkatutak na basura ang nagkalat sa kalye patungong Manila South Cemetery ngayong umaga ng All Souls’ Day.
Kadalasan sa mga kalat ay mga styro cups, papel, at mga plastic bag.
Naging abala naman ang mga street sweeper para ipunin ang mga kalat na agad kinuha ng truck na naghakot.
Samantala, pagpasok naman sa loob ng libingan ay malinis naman at wala masyadong nagkalat na mga basura.
Mayroon ding truck ng basura ngayon na umiikot sa loob ng sementeryo para kolektahin ang mga naipong basura.
MOST READ
LATEST STORIES