OFW na napawalang sala sa kasong pagpatay sa Abu Dhabi nakauwi na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 08:56 AM

INQUIRER.net Photo | DEXTER CABALZA

Dumating na sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jennifer Dalquez matapos mapawang sala at makaligtas sa parusang bitay sa kasong pagpatay sa kaniyang amo na nagtangkang sya ay halayin.

Si Dalquez ay napalaya matapos makulong ng apat na taon sa United Arab Emirates matapos masentensyahan at mahatulan ng kamatayan noong 2015.

Pero noong nakaraang taon, napawalang sala ito sa kaso nang walang kapalit na “diyaah” o “blood money”.

Sa pagdating niya sa NAIA, sinalubong si Dalquez ng kaniyang magulang.

TAGS: Abu Dhabi, jennifer dalquez, ofw, Abu Dhabi, jennifer dalquez, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.