Hepe ng MPD station 1 sinibak matapos mahuling gumagamit ng cocaine ang isa niyang tauhan
Sinibak sa pwesto si Anti-Crime Unit Chief Police Chief Inspector Manny Israel, hepe ng Manila Police District Station 1.
Ito ay makaraang mahuli ang isa sa kanyang mga tauhan na gumagamit umano ng cocaine sa isang Halloween party sa Taguig City.
Kinumpirma ni MPD Director Chief Superintendent Rolando Anduyan ang pagsibak kay Israel.
Papalitan siya ni Police Inspector Agapito Yadao sa pwesto.
Si PO1 Redentor Bautista na tauhan ni Israel ay nahuli na gumagamit ng cocaine sa loob ng CR ng isang high-end club sa Taguig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.