Tricycle driver nanloob ng isang bahay sa Tondo, arestado

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 06:44 AM

Arestado ang isang tricycle driver makaraan nitong pasukin ang bahay ng isang city engineer ng lungsod ng Maynila at saka pinanakawan ng cellphone.

Pinasok ng suspek na si Wilfredo Salvo ang bahay sa Tayuman St., Tondo.

Ayon sa mga otoridad, dumulog sa kanila ang biktima na engineer sa Manila City Hall makaraang pasukin umano ni Salvo ang kaniyang bahay.

Sa isinagawang follow-up operation, nahuli si Salvo at nabawi ang sinasabing cellphone na ninakaw mula sa biktima.

Nagpasya naman ang biktima na hindi na ituloy ang pagsasampa ng kaso sa suspek dahil nabawi naman umano niya ang ninakaw na cellphone.

TAGS: manila, metro, Radyo Inquirer, theft, manila, metro, Radyo Inquirer, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.