Bagyong may international name na Yutu magpapaulan pa rin sa Batanes at Babuyan Islands

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2018 - 06:28 AM

Binabantayan pa rin ng PAGASA ang tropical storm Yutu na nasa labas na ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa 615 kilometers west ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 36 na oras ay hihina pa ang bagyo at magiging isang Low Pressure Area na lamang.

Ito ay dahil sa nasasalubong nitong northeast monsoon sa Southern part ng China.

Sa sandaling humina na ang bagyo, inaasahang lalakas na ang pag-iral ng Amihan lalo na sa Northern Luzon.

Maliban sa Batanes at Babuyan Group of Island na makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng bagyong Yutu ay magiging maaliwas ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

TAGS: Radyo Inquirer, weather, yutu, Radyo Inquirer, weather, yutu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.