All Saints’ Day Celebration ng mga Katoliko, binanatan ni Pangulong Duterte
Kinutya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng mga Katoliko sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ito ay ilang oras lamang matapos ilabas ng Palasyo ng Malacañang ang kanyang official message para sa Undas kung saan hinimok niya ang mga Filipino na tularan ang mga halimbawa ng mga Banal.
Sa pangunguna ni Duterte sa isang Post-Disaster Command Conference sa Isabela, kwinestyon ng pangulo ang pagkakaroon ng All Saints’ at All Souls’ Day ng mga Katoliko at tinawag ang mga ito na ‘tarantado’.
“Happy All Saints’…Bakit naman…tarantado talaga itong mga Katoliko ang p*ta, bakit ba may All Souls’ Day at All Saints’ Day?” ani Duterte.
Minura ng pangulo ang mga Santo na tinawag niya ring mga lasenggo.
Giit ng presidente, siya na lamang ang gawing patron ng mga Filipino bilang si Santo Rodrigo at ilagay ang kanyang larawan sa altar.
Bago ang pahayag na ito sa post-disaster briefing ay iginiit pa ng presidente ang obligasyon ng bawat isa sa mga yumao.
Hindi lamang ito ang unang beses na may maanghang na pahayag ang presidente sa mga Katoliko kung saan kamakailan ay tinawag niya ang Diyos na ‘stupid’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.