Higit 2M bumisita sa mga sementeryo sa Metro Manila sa All Saint’s Day
Pumalo sa higit 2.2 milyong katao ang bumisita sa mga sementeryo sa Metro Manila araw ng Huwebes, All Saints’ Day.
Ayon sa datos ng National Capital Region Police Office, as of 6pm kagabi, umabot sa 2,285,205 ang dumagsa sa mga sementeryo sa rehiyon.
Sinabi ni NRCPO Director Guillermo Eleazar na sa kabila ng malaking bilang ng mga taong bumisita sa mga yumao, naging mapayapa ang paggunita sa Todos los Santos.
Ikinatuwa ng opisyal ang naging kooperasyon ng publiko upang maging ligtas ang paggunita ng Undas.
Ayon sa NCRPO, pinakamalaki ang bilang ng naitalang bumisita sa Manila North Cemetery kung saan Huwebes ng hapon ay nakapagtala na ng 1.37 milyong katao.
Iginiit ng NCRPO na pinakamahigpit ang security measures na ipinatupad sa naturang sementeryo.
Samantala, sinundan ito ng Manila South Cemetery na may 360,589 visitors; Manila Memorial Park na may 82,512; La Loma Cemetery na may 40,800; at Parokya ng Pagkabuhay Cemetery na may 37,757.
Humingi ng pasensya si Eleazar sa mahabang pila sa pagpasok sa mga sementeryo bunsod ng isktriktong inspekyon ng mga pulis.
Kailangan lamang anya ito upang makumpiska ang mga bagay na maaaring magdulot ng panganib sa loob ng mga himlayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.