Pulis-Maynila timbog sa paggamit ng cocaine sa isang Halloween party
Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis-Maynila matapos umanong mahuling gumagamit ng cocaine sa isang Halloween Party sa isang bar sa Taguig City.
Nakilala ang pulis na si Police Officer 1 Redentor Bautista.
Ayon sa Taguig Police, mismong ang club bouncer ang nakakita kay Bautista na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng comfort room ng bar.
Nakuha ng mga awtoridad sa pulis ang .04 grams ng cocaine at isang straw na ginagamit nitong panghithit ng droga.
Hindi nakaligtas kay National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar si Bautista.
Binanatan ni Eleazar ang pulis dahil sa paggamit nito ng cocaine habang ang buong pwersa ng pulisya ay nakatutok para sa Undas.
Nahaharap sa kasong paglabag sa paggamit ng iligal na droga ang pulis at maging sa mga kasong administratibo.
Ipinag-utos naman ni Eleazar sa mga district directors na magsagawa ng random drug test sa mga himpilan ng pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.