Lalaki, nagtangkang magpasok ng baril sa Loyola Memorial Park

By Rhommel Balasbas November 02, 2018 - 02:17 AM

INQUIRER photo

Isang lalaki ang sinita ng mga pulis matapos tangkaing pumasok ng may dalang baril sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Dir. C/Supt. Bernabe Balba, may ipinakitang lisensya ang gun owner ngunit kinumpiska pa rin nila ang baril at iimbestigahan ito.

Kahit lisensyado ang mga baril ay hindi pinapayagan ng mga awtoridad ang pagpapasok ng armas sa mga sementeryo upang maiwasan ang anumang karahasan.

Samantala, sinabi naman ni Balba na naging mapayapa ang sitwasyon sa mga sementeryo na nasa hurisdiksyon ng EPD o ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, Mandaluyong at San Juan.

Sa pinakahuling tala ng EPD ay umabot sa 58,140 ang bumisita sa mga sementeryo sa apat na lungsod.

Kahit nakita ng personal na mahigpit ang seguridad sa mga sementeryo sa kanyang hurisdiksyon, pinayuhan pa rin ni Balba ang mga pulis na maging alerto at mapagmatyag anumang oras.

TAGS: #Undas2018, Loyola Memorial Park, #Undas2018, Loyola Memorial Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.