Duterte, tatakbo sa 2016

June 22, 2015 - 07:16 AM

duterte file dot net
File Photo ng Inquirer.net

Bukas na ngayon si davao city Mayor Rodrigo Duterte sa posibilidad na sumabak sa 2016 Presidential elections.

Ito’y taliwas sa mga nauna niyang deklarasyon na wala siyang planong tumakbo sa paka-Pangulo sa susunod na halalan.

Paliwanag ni Duterte, ang kanyang pasya ay ‘out of respect’ sa mga tao, mga grupo, mga negosyante at iba pa na nagtutulak sa kaniyang kandidatura.

Ani Duterte, nakiusap daw sa kanya ang mga supporter niya, lalo na ang mga naglalabas ng pera at efforts, na buksan niya ang kaniyang pintuan para sa Presidential bid.

Sa katunayan, sinabi ni Duterte na marami raw nasaktan noong mga nakalipas niyang pagtanggi na maging Presidential Candidate.

Sa kabila nito, nilinaw ni Duterte na itutuloy niya lamang ang pagsali sa Presidential race kung mababatid na niya ang anumang maibabahagi sa bansa.

Aniya, ayaw naman daw niya na maging “lame duck” President lang o isang inutil na Pangulo./ Isa Avendaño-Umali

TAGS: 2016 elections, duterte, Radyo Inquirer, 2016 elections, duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.