Pope Francis, hinimok ang mga Kristiyano na mamuhay para sa langit at hindi sa mundo

By Rhommel Balasbas November 02, 2018 - 02:09 AM

Sa Todos los Santos o Araw ng mga Banal, hinimok ni Pope Francis ang lahat ng Kristiyano na tanungin ang sarili kung para saan ba sila nabubuhay.

Sa kanyang mensahe kahapon, nais ipaalala ng Santo Papa kung nabubuhay ba ang bawat tao para sa kabanalan at sa Diyos o sila ay nabubuhay para sa sarili at ng mga makamundong bagay.

Anya, isang magandang bagay ang gawing huwaran ang mga Santo na pawang namuhay nang hindi lamang para sa kanilang mga sarili,

Iginiit din ni Pope Francis na dapat ay matamo ang kabanalan sa pagsunod sa mga itinuturo ng ‘Beatitudes’.

Samantala ngayong November 2, Araw ng mga Kaluluwa ay bibisita ang Santo Papa sa Laurentino Cemetery.

Hinimok niya ang mga mananampalataya na samahan siya sa panalangin para sa mga taong nahihimlay na at matamo ang mapayapang kapahingahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.