Kobe Bryant, maglalabas ng 5 novels sa 2019 at 2020
Ipinahayag ng NBA superstar at Oscar winner na si Kobe Bryant ang kanyang planong maglabas ng mga nobela sa susunod na dalawang taon.
Plano ng Granity Studios ni Bryant na maglabas ng limang middle grade at adult novels.
Sa isang press release, sinabi ni Bryant na ang naturang mga libro ay mismong siya ang nag-conceptualize ngunit isusulat ng isang magaling at sikat na fiction author.
Kabilang sa mga isasakatuparang nobela ni Bryant sa susunod na taon ay ang “The Wizenard Series: Training Camp” at “Legacy and the Queen”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.