Ilang celebrities, sinulit ang ‘Undas’ vacation sa ibang bansa

By Rhommel Balasbas November 02, 2018 - 12:55 AM

Ilan sa mga showbiz personalities ang piniling igugol ang kanilang Undas vacation sa labas ng bansa.

Bihis ‘Queen of Wakanda’ ang Unkaboggable Star na si Vice Ganda sa kanyang pagdiriwang ng Halloween sa Hong Kong.

Si Anne Curtis naman at asawang si Erwan Heussaff ay nagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa sa Africa.

Sa post na ibinahagi ni Curtis, sinabi nitong gaganapin na rin ang kanilang honeymoon na anya’y long overdue na.

Sina Andi Manzano naman at ang kanyang pamilya ay piniling magbakasyon sa Japan.

Nagbihis ang kanuang anak na si Olivia ng costume na animo’y si Godzilla.

Sina Toni Gonzaga at Paul Soriano naman kasama ang anak nilang si Seve ay nasa Europe.

Pinili naman ng mga dating Pinoy Big Brother Housemates na sina Barbie Imperial, kambal na sina Joj at Jai na magtampisaw sa magandang beach ng Bali, Indonesia.

Si Lovie Poe naman ay nagtungo rin sa Hong Kong.

TAGS: #Undas2018, Pinoy Celebrities, #Undas2018, Pinoy Celebrities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.