50,000 jeep hindi pa pwedeng magtaas ng pamasahe

By Len Montaño November 02, 2018 - 12:34 AM

Nasa 50,000 na mga jeep ang hindi pa pwedeng magtaas ng minimum na pamasahe sa P10 na simula na sa linggong ito.

Ngayong araw, November 2 epektibo ang inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na P2 na dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep.

Pero sinabi ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines president Zenaida Maranan na nasa 50,000 units sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog ang hindi pa nakumpleto ang requirements para sa bagong fare matrix.

Dahil sa long weekend ngayong Undas, inaasahan na hindi matatapos ng mga operators ang requirements at sa Lunes pa sila makapag-ayos ng kanilang aplikasyon.

Dahil dito ay pinayuhan ni Maranan ang mga jeepney operators na huwag munang maningil ng P10 na minimum na pamasahe.

Nananawagan din ito sa mga pasahero na ireport ang operator at driver na maniningil na ng P10 na minimum na pamasahe ng wala pang bagong fare matrix.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.