Pagbabalik sa normal na buhay ng mga nasalanta ng bagyo, pinamamadali ng pangulo
By Len Montaño November 02, 2018 - 12:23 AM
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad maibalik ang normalidad sa mga lugar na matinding tinamaan ng Bagyong Rosita.
Sa kanyang pulong sa mga opisyal sa Northern Luzon sa Cauayan, Isabela, sinabi ng pangulo na kuntento siya sa paghahanda at pagtugon ng gobyerno sa bagyo.
Naniniwala ang pangulo na ginagawa ng mga opisyal ang kanilang trabaho kaya pinasalamatan niya ang mga ito.
Pero ang dapat anya, matapos ang bagyo ay bumalik na agad sa normal ang pamumuhay sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rosita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.