Pangulong Duterte nag-aerial inspection sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Rosita

By Len Montaño November 02, 2018 - 12:18 AM

Nagsagawa si Pangulong Rodrigo Duterte ng aerial inspection sa mga lugar sa Hilagang Luzon na tinamaan ng Bagyong Rosita at sinabi nito na extensive ang pinsala.

Sa kanyang pulong sa mga opisyal ng gobyerno sa Cauayan, Isabela, sinabi ng pangulo na malawak ang pinsala ng bagyo sa rehiyon.

Nag-alala rin ang pangulo sa mga pinaniniwalaang na-trap sa bumagsak na gusali ng Department Of Public Works And Highways sa natonin, Mountain Province.

Sa datos ng NDRRMC, anim ang namatay sa landslide sa Natonin, anim sa Banaue sa Ifugao, dalawa sa Tinglayan habang isa ang nalunod sa Abra.

Sa report naman ng mga lokal na opisyal, nasa walong bangkay na ang narekober mula sa nag-collapse na DPWH building.

Natabunan ang mga biktima sa pagguho ng lupa sa kasagsagan ng hagupit ng Bagyong Rosita.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.