WATCH: Mga yumaong alagang hayop, inalala rin ngayong Undas
Hindi lamang mga tao ang itinuturing nating “mahal sa buhay”… kundi maging ang mga alaga nating hayop.
At ngayong panahon ng Undas, ang mga yumaong hayop ay inaalala rin ng marami sa ating mga kababayan.
Dito sa PAWS Memorial Wall sa Aurora Boulevard, Katipunan Valley sa Loyola Heights, Quezon City, mahigit 300 departed pets ang ginugunita.
Makikita sa wall ang dedicatory tiles kung saan naroon ang mga litrato ng mga pumanaw na alagang hayop gaya ng mga aso, pusa at iba pa.
May mga nag-alay na ng mga bulaklak, kandila at stuffed toys.
Si Anna Natividad, miss na miss na raw ang kanyang alagang si Patricia.
Ayon sa Philippine Animal Welfare Society o PAWS, bukas ang kanilang memorial wall hanggang bukas, Nov. 02.
Humihiling naman ang PAWS sa ating mga kababayan na mag-donate ng mga lumang dyaryo, garbage bags, mga sabon, at pet food na gagamitin sa shelter ng mga inaalagaan nilang hayop.
Maaaring ring tumulong sa pamamagitan ng pagkakaloob ng monthly o one-time donation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.