Sagay massacre: Abogado ng NUPL kinasuhan ng kidnapping

By Den Macaranas November 01, 2018 - 06:39 PM

Inquirer file photo

Kinasuhan ang isang abogado ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) na sinasabing tumangay sa nag-iisang survivor sa naganap na Sagay massacre kamakailan.

Kinilala ni Sagay, Negros Occidental Chief of Police Robert Mansueto ang kinasuhan ng kidnapping na si Atty. Katherine Panguban ng NUPL.

Siya ay kinasuhan ni Vic Pedaso, ama ng 14-anyos na survivor sa pamamaslang na sinasabing kagagawan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang reklamo ay sinabi ni Pedaso na si Panguban ay nagpakilalang legal counsel ng grupong Karapatan.

Ipinaliwanag ni Pedaso na sa ngayon ay hindi na niya makontak ang cellphone na kanyang anak kasama ang kanyang misis.

Nasa pangangalaga umano ng mga social worker mula sa Sagay City ang kanyang mag-ina nang ito ay kunin ni Panguban kasama ang ilang miyembro ng grupong Karapatan.

Noong October 27 niya huling nakausap ang kanyang misis at sinabi hindi sila makalabas mula sa kanilang lugar na kinalalagyan.

Mula noon ay wala na umano siyang pagkakataon na makausap ang kanyang mag-ina ayon pa kay Pedaso.

Sinabi naman ng hepe ng pulisya sa Sagay City na importante ang terstimonya ang 14-anyos na survivor para makilala ang mga nasa likod ng massacre na ikinamatay ng siyam na mga manggagawa sa Hacienda Nene, Barangay Bulanon, Sagay City noong Oktubre 20.

Magugunitang nagturuan ang militar at CPP-NPA sa kung sino ang may kagagawan sa nasabing pamamaslang.

Sa hiwalay na pahayag ay nanindigan naman ang NUPL na isang kasinungalingan ang mga sinabi ni Pedaso sa kanyang reklamo.

Ayon sa NUPL, These accusations of kidnapping and serious illegal detention are mere incredible concoctions of Sagay authorities with the clear intent to malign human rights workers and organizations that are genuinely helping the victims and survivors who would definitely shed light as to who the real authors are of the bloody massacre that took nine innocent lives”.

Nasa pangangalaga umano ng ina ang sinasabing dinukot na bata at boluntaryo itong humingi ng tulong grupong Karapatan.

TAGS: CPP-NPA, Hacienda Nene, Karapatan, Kidnapping, Negros Occidental, NUPL, sagay, CPP-NPA, Hacienda Nene, Karapatan, Kidnapping, Negros Occidental, NUPL, sagay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.