Mga aktibidad sa paggunita ng bagyong Yolanda, tuloy ngayong araw

By Isa Avendaño-Umali November 08, 2015 - 08:31 AM

madrigal singer
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Tuloy ngayong araw ng Linggo, November 8 ang paggunita sa paghagupit ng Supertyphoon Yolanda.

Sa Tacloban City, maaga pa lamang ay naghanda na ang mga residente para sa serye ng aktibidad bilang pag-alala sa naging pagtama ng Yolanda noong November 2013.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang “commemorative walk” na dinaluhan ng mga survivor ng kalamidad, at iba pang mga panauhin.

Mayroon ding misa sa Astrodome Memorial Ground, kung saan gaganapin din ang unveiling ng isang marker.

Dadaluhan ito ng foreign dignitaries at ilang mga bisita.

Mamayang hapon naman (2PM), isasagawa ang unveiling ng commemorative papal mass marker sa Daniel Z. Romualdez Airport.

Matatandaang noong dumalaw si Pope Francis sa Pilipinas noong January 2015, sinadya niyang magtungo sa Tacloban upang magsagawa ng misa at makapiling ang mga survivor ng Yolanda.

Alas 3:00 ng hapon, mayroong Holy Mass at blessing ng mga puntod ng Yolanda victims sa Holy Cross Memorial Park, sa Barangay Basper, Tacloban City.

Mamayang 5:30 ng hapon, isasagawa ang “Simultaneous Lighting of Candles” sa Highway Streets ng Tolosa, Tanauan, Palo at Tacloban City.

Magkakaroon muli ng concert, at ang finale ay ang “Sundown Memorial” o pagpapalipad ng mga sky lantern at pagpapalutang ng mga kandila at bulaklak sa Cancabato Bay.

TAGS: TaclobanCity, yoland2ndanniversary, TaclobanCity, yoland2ndanniversary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.