Grupo ng mga negosyante pabor sa Customs overhaul
Pinuri ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat dumaan sa overhaul ang buong Bureau of Customs.
Sinabi ni PCCI President Alegria Limjoco na welcome sa kanila ang pagtatalaga ng militar sa ilang posisyon sa BOC basta’t matiyak lamang na hindi magiging hadlang ito sa mabilis na proseso ng trabaho sa loob ng ahensya.
Maging ang kanilang grupo ayon kay Limjoco ay sawang-sawa na sa mga isyu ng katiwalian sa loob ng BOC.
Naniniwala rin ng PCCI na magdadala ng pagbabago sa BOC ang bagong pinuno nito na si Commissioner Rey Leonardo Guerrero na dating pinuno ng militar at Maritime Industry Authority (Marina).
Aminado rin ang pinuno ng PCCI na malaki ang problema sa sistema ng BOC na pinuno na ng mga kasaysayan ng katiwalian.
Samantala, muli namang ni nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi hahawak ng mga sensitibong posisyon sa BOC ang mga miyembro ng militar.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang magiging partisipasyon ng AFP sa BOC ay magbantay lamang para labanan ang korapsyon sa ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.