May kaugnayan ito sa nakatakdang pagpapatupad ng dagdag-singil sa mga pampasaherong jeepney at bus simula bukas, November 2.
Sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizadana hanggang ngayon ay wala pa silang nabibigyan na mga tsuper ng fare matrix dahil wala namang nagbayad para i-proseso ang nasabing dokumento.
Kinakailangan ang fare matrix dahil dito ibabatay ang singil sa pasahe ng isang partikular na ruta ng jeepney at bus.
Dapat ay nakapaskil ang fare matrix sa bahagi ng sasakyan na madaling makita ng mga pasahero ayon pa sa opisyal.
Ipinaliwanag ng LTFRB na aabutin ng P520 ang dapat bayaran para sa certificate of public convinience at dagdag na P50 sa bawat kopya ng opisyal na fare guide para sa bawat unit ng jeepney at bus.
Kamakailan ay inaprubahan ng LTFRB na gawing P10 ang minimum fare sa mga jeepney para sa Metro Manila, Southern at Central Luzon.
Para sa mga regular na bus sa Metro Manila ay P11 na ang minimum fare samantalang P13 naman para sa airconditioned buses.