LTFRB: Mahigit na ipatutupad ang “no fare guide – no fare increase” policy

By Den Macaranas November 01, 2018 - 02:48 PM

Naglabas ng paalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko kaugnay sa “na “no fare guide – no fare increase” policy ng ahensya.

May kaugnayan ito sa nakatakdang pagpapatupad ng dagdag-singil sa mga pampasaherong jeepney at bus simula bukas, November 2.

Sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizadana hanggang ngayon ay wala pa silang nabibigyan na mga tsuper ng fare matrix dahil wala namang nagbayad para i-proseso ang nasabing dokumento.

Kinakailangan ang fare matrix dahil dito ibabatay ang singil sa pasahe ng isang partikular na ruta ng jeepney at bus.

Dapat ay  nakapaskil ang fare matrix sa bahagi ng sasakyan na madaling makita ng mga pasahero ayon pa sa opisyal.

Ipinaliwanag ng LTFRB na aabutin ng P520 ang dapat bayaran para sa certificate of public convinience at dagdag na P50 sa bawat kopya ng opisyal na fare guide para sa bawat unit ng jeepney at bus.

Kamakailan ay inaprubahan ng LTFRB na gawing P10 ang minimum fare sa mga jeepney para sa Metro Manila, Southern at Central Luzon.

Para sa mga regular na bus sa Metro Manila ay P11 na ang minimum fare samantalang P13 naman para sa airconditioned buses.

TAGS: buses, fare increase, Jeepney, lizada, ltfrb, Metro Manila, buses, fare increase, Jeepney, lizada, ltfrb, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.