Publiko hinimok ni Pang. Duterte na tularan ang mga santo

By Chona Yu November 01, 2018 - 12:31 PM

Kaisa si Pangulong Rodrigo duterte sa paggunita ng publiko sa tatim at makabuluhang All Saints’ at All Souls’ day.

Sa mensahe ng pangulo, hinimok nito ang taong bayan na tularan ang mga santo at ipanalangin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Hindi aniya maikakaila na ang kanilang mga nagawa ay nagbigay ng pag-asa, pananampalataya at pag-ibig sa bawat isa.

Patunay din aniya ang undas na kahit patay na ang mga kaanak, nanatiling malakas ang ugnayan ng bawat isa.

Umaasa ang pangulo na ang anumang nagawa ng mga santo at ng mga pumanaw na ay magsisilbing inspirasyon para itaguyod ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.

TAGS: All Saint's Day, All Soul's Day, Rodrigo Duterte, All Saint's Day, All Soul's Day, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.