Isabela nagpadala ng team sa Mt. Province para tumulong sa search and rescue operations

By Erwin Aguilon November 01, 2018 - 12:20 PM

DPWH Photo

Nagpadala na rin ng team ang Isabela 2nd Engineering Dist sa bayan ng Natonin, Mt. Province.

Ayon kay Dist Engr. Reynato M. Ubiña, umalis na ang kanilang team sa Isabela at patungo na sa natabunang gusali ng DPWH.

Bukod anya sa kanyang mga tauhan may dalang mga heavy equipment ang mga ito na magagamit sa paghahanap sa mga natabunan ng lupa.

Sinabi ni Ubiña na hindi pa lamang nakararating sa lugar ang kanilang team.

Paliwanag nito, maraming landslide sa mga dinadaan kaya hirap ang mga itong makarating.

Bukod pa anya na may lugar na hindi pa maaring daanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa guho ng lupa.

TAGS: landslide, Mountain Province, Natonin, landslide, Mountain Province, Natonin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.