Mahigit P2B iniwang pinsala ng bagyong Rosita sa Isabela
Tinatayang aabot sa mahigit P2 bilyon ang iniwang pinsala ng Bagyong Rosita sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Isabela Gov. Faustino “Bogie” Dy, P1.2 billion ang pinsala sa kanilang agrikultura at P1.2 billion din sa imprastraktura o kabuuang P2.4 billion.
Hindi anya kasama sa nasabing halaga ang nawasak sa Siffu Bridge sa bayan ng Roxas sapagkat sakop ito ng pamahalaang nasyunal.
Paliwanag ni Dy, hindi na ganoon kalaki ang napinsala sa agrikuktura sapagkat nawasak na ang marami sa kanilang pananim noong nakalipas na bagyong ompong.
Samantala, nasa 1,000 bahay naman ang totally damage at nasa 12,000 ang bahagyang nasira sa kabuuan ng lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.