Patay sa bagyong Rosita umakyat na sa 15 – NDRRMC

By Dona Dominguez-Cargullo November 01, 2018 - 10:37 AM

DPWH Photo

Umabot na sa 15 ang iniwang nasawi ng bagyong Rosita ayon sa datos ng National Distaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ang 6 sa mga nasawi ay mula sa landslide na naganap sa Natonin, Mountain Province; 6 sa landslide sa Banaue, Ifugao; 2 sa landslide sa Tinglayan at 1 ang nalunod sa Abra.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad maaring madagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil may mga nawawala pang indibidwal.

Inaalam pa rin ng NDRRMC ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Rosita.

TAGS: landslide, Radyo Inquirer, Rosita, landslide, Radyo Inquirer, Rosita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.