LOOK: Marami na rin ang nagtutungo sa Loyola Memorial Park sa Marikina

INQUIRER.net Photo | Gabriel Lalu
INQUIRER.net Photo | Gabriel Lalu

Sa Loyola Memorial Park sa Marikina, maaga ring nagtungo ang mga bibisita sa puntod ng mga mahal nila sa buhay.

Sa datos ng Marikina City Police Station, kahapon, Oct. 31 umabot sa 4,400 ang nagtungo sa sementeryo.

Inaasahang dadami pa ang naturang bilang ngayong maghapon hanggang bukas, Nov. 2.

May mga nasabat na ring posporo, lighters, at spray paints mula sa mga bisita.

May mga fans na rin ang nag-alay ng bulaklak sa puntod ng aktres na si Nida Blanca at Master rapper na si Francis Magalona.

Read more...