Serbisyo sa NAIA dapat ayusin muna bago ipatupad ang terminal fee hike – Sen. Poe
Bago ipatupad ang dagdag na singil sa terminal fee sa NAIA sinabi ni Senator Grace Poe na dapat matiyak muna ang maayos na serbisyo sa mga pasahero.
Reaksyon ito ni Poe sa ipapatpaw na pagtaas sa terminal fee ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa NAIA.
Ani Poe, ang terminal fee ay tinatawag ding “Passenger Service Charge”.
Ibig sabihin, sinisigil ito para masigurong ligtas at maayos ang serbisyo sa mga bumibiyahe.
Inihalimbawa ni Poe ang aksidenteng kinasangkutan ng Xiamen Airline noong Agosto na labis na ikinaperwisyo ng mga pasahero.
Ayon kay Poe na chairperson ng Senate committee on public services noong nangyari ang aksidente ay hindi nakapagpakita ng maayos na serbisyo ang mga tauhan ng NAIA.
Mismong ang mga naperwisyong pasahero aniya ang nagsalaysay ng kanilang sinapit sa NAIA kung saan walang makapagsabi sa kanila kung kailan sila makasasakay ng flight.
Ani Poe, dapat ding nagsagawa muna ng public consultation bago ipatupad ang pagtaas ng singil sa terminal fee dahil tinatayang 42 milyong katao ang maaapektuhan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.