Pang. Duterte maglalabas ng senatorial line up; mga kaibigan na may masamang rekord tatablahin

By Chona Yu November 01, 2018 - 08:38 AM

Isa-isa nang sinusuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaibigang kakandidato sa pagka-senador sa 2019 elections.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Cagayan De Oro City, sinabi nito na ilalabas niya ang kanyang listahan ng senatorial line up pagkatapos ng pasko.

Ayon sa pangulo, magtutungo siya sa iba’t ibang lugar at sasamahan ang kanyang mga kandidato para mangampanya.

Dagdag ng pangulo, may mga kaibigan na siyang lumapit sa kanya at nagpapaendorso.

Pero agad na humingi ng paumanhin ang pangulo at iginiit na hindi niya kailanman iendorso at ikakampanya ang mga kaibigan na may masamang rekord lalo na ang mga nasangkot sa korupsyon.

Malinaw aniya ang kanyang polisiya na tanging ang mga kandidato lamang na may competence o kakayahan, kapasidad at kwalipikado ang kanyang susuportahan.

Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niyang matapos ang kanyang karera sa pulitika na may bahid ng masamang rekord at may masasabing negatibo ang tao lalo na sa isyu ng korupsyon.

Hirit ng pangulo, suportahan ang kanyang mga kandidato na iindorso.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na wala siyang magagawa kung iboboto pa rin ng taong bayan ang mga kagaya ng Magdalo o ni Senador Antonio Trillanes IV na walang ibang ginawa kundi ang manggulo at ang akala sa sarili ay mas matalino sa lahat.

Kapag aniya nahalal ang mga taga-Magdalo o si Trillanes at naghirap ang taong bayan ay huwag nang magreklamo at magtiis na lamang lalot pinaalalahanan na sila bago pa man ang eleksyon.

TAGS: Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.