Mahigit 60,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan
Umabot sa mahigit 60,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard simula kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Sa datos ng Oplan Biyaheng Ayos ng coast guard, nasa 60,801 na mga pasahero ang bumiyahe ngayong Undas para dumalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay.
Pinakamaraming naitala na bumiyaheng pasahero sa pantalan ng Cebu at Bohol na umabot sa 16,172; sumunod ang Davao na umabot sa 10,510; sinundan nga iba’t ibang mga pantalan sa Northern Mindanao na nakapagtala ng 8,977 na bumiyaheng pasahero.
Sa Western Visayas nakapagtala ng 9,577 na bumiyaheng pasahero sa Iloilo at Aklan Port.
May mga naitala ding pasahero sa Southern Tagalog, NCR, Central Luzon, Western Mindanao, Bicol, Eastern Visayas at Southern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.