8,701 kukuha ng Bar exam ngayong taon

By Rhommel Balasbas November 01, 2018 - 06:18 AM

Handa na ang lahat para sa nakatakdang Bar Examinations ngayong buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Korte Suprema, umabot sa 8,701 ang pinayagan ng Office of the Bar Confidant na kumuha ng pagsusulit sa taong ito.

Pinangunahan ni Associate Justice Mariano del Castillo na siyang chairman ng Bar Exams Committee ang preparasyon para pagsusulit.

Mayroong idedeploy na 10 bus ang SC para sa mga examinees at duty personnel sa iba’t ibang lugar sakaling magkaroon ng malalakas na pag-ulan.

Mula alas-4:30 ng umaga ay idedeploy ang mga bus mula sa mga sumusunod na lugar:

 Quezon City Memorial Circle malapit sa Philippine Coconut Authority (dalawang bus);
 Park and Ride, Lawton in Manila (isang bus)
 SC New Building compound, Taft Avenue (dalawang bus);
 Greenbelt and Glorietta, Ayala Center in Makati (dalawang bus)
 Marikina Sports Complex (isang bus)

Kabilang din sa mga ipatutupad ay ang liquor ban at no parking policy sa paligid ng University of Santo. Tomas.

Sa 7,227 na kumuha ng Bar Exams noong 2017, 25.5 percent lamang o 1,724 ang nakapasa.

TAGS: 2018 bar, Bar Exams, Supreme Court, 2018 bar, Bar Exams, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.