P25 na umento sa sahod sa Metro Manila hindi pa opisyal ayon sa DOLE
Isa pa lamang umanong ispekulasyon ang sinasabing P25 na umento sa sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na siya mismo ay wala pang natatanggap na pormal na rekomendasyon mula sa National Capital Region Wage Board tungkol sa dagdag sahod.
Ito ay matapos sabihin ni Trade Union Congress of the Philippines spokesperson Alan Tanjusay na mismong ang Employers Confederation of the Philippines ang nagkumpirma na P25 lamang ang idadagdag sa sweldo sa NCR.
Ayon kay Bello, hindi niya alam kung saan kinuha ng TUCP at ECOP ang impormasyon.
Naniniwala ang opisyal na magiging patas ang board sa irerekomendang salary adjustment.
Nakatakdang ilabas ang desisyon ng wage board tungkol sa umento sa isang press briefing sa Lunes, November 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.