Trough ng Bagyong Rosita, magpapaulan sa ilang bahagi ng N. Luzon ngayong Undas

Bagaman tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), patuloy na magpapaulan ang trough ng Bagyong Rosita sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 402 kilometro Kanluran-Hilagang-Kanluran ng Laoag City.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa trough ng bagyo.

Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Northern coast ng Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Read more...