Mga bumibisita sa Manila North at South Cemetery nagpapatuloy ang pagdating; Dangwa nagsisimula nang dagsain

By Justinne Punsalang November 01, 2018 - 04:22 AM

Wala pa ring naitatalang anumang untoward incident sa loob ng Manila North Cemetery.

Ayon sa mga pulis na nagbabantay sa nabanggit na sementeryo, nananatiling peaceful ang sitwasyon dito.

Sa huling tala, nasa 5,500 katao ang kasalukuyang nasa loob ng sementeryo. Mula naman alas-12 ng hatinggabi ay nasa 8,700 na ang kabuuang bilang ng mga bumisita dito.

Sa Manila South Cemetery naman ay mas mataas ang bilang ng mga taong bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa huling datos ng mga pulis, mula kaninang hatinggabi ay nasa 15,989 na ang pumasok sa sementeryo at sa kasalukuyan, 922 ang bilang ng tao sa loob.

Samanta, nagsisimula naman nang dumating ang mga tao sa Dangwa upang bumili ng mga bulaklak.

Inaasahang ngayong araw ay magbabagsak-presyo na ang mga bulaklak na itinitinda sa Dangwa.

TAGS: #Undas2018, Manila North Cemetery, Manila south Cemetery, #Undas2018, Manila North Cemetery, Manila south Cemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.