Lalaki arestado matapos magnakaw sa isang grocery sa Quezon City
By Justinne Punsalang November 01, 2018 - 04:06 AM
Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos magnakaw sa loob ng isang grocery store sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Francis Reyes, 44 na taong gulang at residente ng Caloocan City ngunit tubong Dumaguete City.
Nabatid na ang mga ninakaw ni Reyes ay mga sandwich spread at seasoning. May kabuuang halaga na P2,500 ang kanyang ninakaw na mga produkto.
Dahil dito ay mahaharap si Reyes sa kasong theft/shoplifting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.