Drug suspek patay sa buy bust sa Bulacan

By Justinne Punsalang November 01, 2018 - 03:53 AM

Nasawi ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Pandayan, Meycauayan, Bulacan.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Empoy.

Ayon kay Bulacan Provincial Police chief, Senior Superintendent Chito Bersaluna, matapos magkaabutan si alyas Empoy at pulis na nagpanggap bilang poseur buyer at tangkang aarestuhin ang suspek ay bumunot ito ng baril.

Pinaputukan ni alyas Empoy ang mga otoridad na silang gumanti ng putok na ikinasawi nito.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 baril at isang sachet ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]