Cebu Pacific, nagkansela ng mga biyahe dahil sa pinsala ng Bagyong Rosita
Kinansela ng Cebu Pacific ang ilang mga flights nito bunsod ng pinsala na idinulot ng Bagyong Rosita.
Sa isang advisory, sinabi ng airline na suspendido ang operasyon sa Cauayan Airport sa Isabela.
Suspendido ang sumusunod na flights:
- 5J 196 Manila-Cauayan – 07:00 a.m.- 08:10 a.m.
- 5J 197 Cauayan -Manila – 09:15 a.m.- 10:20 a.m.
Ayon sa Cebu Pacific, iaanunsyo nila ang posibleng pagbabalik ng flights patungo at paalis ng Cauayan sa Sabado.
Samantala, ngayong araw suspendido rin ang sumusunod na biyahe papunta at paalis ng Basco, Batanes.
- DG 6009/DG 6010 Manila-Basco-Manila
Magkakaroon ng recovery flights papunta at paalis ng Basco bukas at sa Sabado.
Mayroon namang opsyon ang mga pasahero na magrebook, magrefund o hindi kaya ay gamitin ang kanilang ibinayad bilang Travel Fund para sa biyahe sa hinaharap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.