Reorganization ng Office of the Cabinet Secretary, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas November 01, 2018 - 04:47 AM

Naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na layong ipatupad ang malawak na balasahan sa Office of the Cabinet Secretary (OCS).

Sa kanyang nilagdaang Executive Order (EO) 67, ibinalik ng pangulo ang dating pangalan ng OCS sa ‘Cabinet Secretariat’.

Matatandaang nagbitiw si Sec. Leoncio ‘Jun Evasco’ bilang pinuno ng OCS upang tumakbo sa pagka-gobernador ng Bohol sa May 2019 elections.

Inilipat sa ilang kagawaran ang pangangasiwa sa ilang ahensya sa ilalim ng OCS.

Sa ilalim ng EO 67 ng pangulo, inilipat na ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) at Cooperative Development Authority sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ang National Commission on Muslim Filipinos, Philippine Commission on Women at National Youth Commission ay isinailalim na sa Department of the Interior and Local Government.

Habang ang National Anti-Poverty Commission, National Commission on Indigenous Peoples, at Presidential Commission on the Urban Poor ay pamumunuan na ng Department of Social Welfare and Development.

Binuwag na rin ni Pangulong Duterte ang Office of Participatory Governance (OPG) at Performance and Projects Management Office (PPMO).

Ang mga trabaho ng OPG at PPMO ay sasaluhin ng DILG at Presidential Management Staff (PMS).

Sa kanyang EO iginiit ng pangulo na kailangan ang reorganization sa Office of the President para sa mas maayos na pagsasakatuparan sa functions ng executive deparment.

TAGS: executive department, Office of the Cabinet Secretary (OCS), revamp, Rodrigo Duterte, executive department, Office of the Cabinet Secretary (OCS), revamp, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.