Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa Cagayan de Oro City, sinabi ng pangulo na istilo ng komunista na pumatay ng kanilang mga kasamahan at ibintang sa gobyerno.
‘Yung style ba ng mga komunista, sila rin naman ang pumatay sa mga kasamahan nila. Pero sa atin pa rin isinisi,” ani Duterte.
Nauna nang sinabi ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde na maaaring ang mga rebeldeng komunista ang nasa likod ng masaker na sinegundahan naman ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez Jr.
Sinabi naman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ang mga nasawing magsasaka na mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW), ay pinatay ng paramilitary forces na binabayaran ng landlord sa Negros at may kaugnayan sa militar.
Samantala, sa talumpati rin kagabi muling inulit ni Pangulong Duterte ang direktiba na papatayin ang mga magsasaka na magtatangkang mang-agaw ng lupain partikular ang mga may kaugnayan sa New People’s Army.